Ilang Pansin sa mga Pandaigdigang Pangyayari

SA AFGHANISTAN : Si Maj. Gen. Harold J. Greene ang naging kauna-unahang US Army general na napatay sa isang giyera sa labas ng USA nang siya ay pagbabarilin ng isang sundalong Afghan noong Agosto 5. Si Greene ay kasama ng mga senior US at Afghan military officials na bumibisita sa pangunahing military academy ng Afghanistan sa labas lamang ng Kabul, nang sila ay paputukan ng isang sundalong Afghan na kanilang “kakampi”. Maliban sa pagkakapatay kay Greene, may 15 na iba pa ang nasugatan.

RESULTA NG IMBESTIGASYON SA FLIGHT MH-17, HINDI PA RIN INILALABAS : Noong Hulyo 17 ay pinabagsak ang Malaysian Airlines Flight MH-17 sa isang lugar sa silangang Ukraine kung saan may paglalabanan sa pagitan ng mga puwersa ng pasistang rehimen sa Kiev ni Igor Poroshenko, at ng mga ethnic Russian forces na nais mag-secede mula sa Ukraine. Ang MH-17 ay lumilipad mula Amsterdam patungong Kuala Lumpur nang ito’y mapabagsak. Agad sinisi ng Ukraine, ng USA at ng NATO ang Rusya sa anila’y pagbibigay nito ng anti-aircraft missiles sa mga secessionists. Naglapat agad ng economic sanctions ang USA at EU laban sa Rusya. Sa kabilang dako naman, sinabi ng Rusya na may katibayan sila na ang MH-17 ay pinabagsak ng warplanes ng Ukraine. Sa kabila ng warnings ng Kiev, nakipag-ugnayan ang Malaysian authorities sa mga secessionist forces, at nakuha agad nila ang “black boxes” na makatutulong sa pagtiyak kung paano pinabagsak ang civilian airliner na iyon. Ang “black boxes” ay ibinigay ng Malaysia sa mga aviation authorities ng Netherlands, na nagsabi na agad nilang nakuha ang mga detalyeng nakaulat sa “black boxes”, at mailalabas nila ang mga resulta ng imbestigasyon sa loob lamang ng ilang linggo. Ngunit mahigit isang buwan na ang nakalilipas at ayaw pa rin nilang ilabas ang mga resulta. Kailangan pa raw ma-konsulta ang Kiev. Sa isang artikulo sa pahayagang Malaysian na “New Straits Times”, pinaratangan ang rehimen sa Kiev ng pagiging responsable sa nangyaring pagpapabagsak sa MH-17. Kinondena rin ang pagtanggi ng rehimen sa Kiev na ilabas ang recordings ng mga pag-uusap sa pagitan ng piloto ng MH-17 at ng mga Ukrainian air traffic controllers sa kalapit na airport sa Dnepropetrovsk. Batay sa ginagawang paggamit ng USA sa trahedya ng MH-17 upang magkaroon ng confrontation sa pagitan ng NATO at ng Rusya, lumalabas na ang USA ang nagkukumpas sa ginagawa ng mga awtoridad sa Netherlands upang itago ang katotohanan hinggil sa pangyayari sa MH-17 noong Hulyo 17.

LABANAN NG MGA SANCTIONS, KAUGNAY SA LABANAN SA UKRAINE : Habang ang USA at European Union ay naglalapat ng mga sanctions laban sa Rusya dahil sa patuloy na pagbabangon ng mga pro-Russian insurgents sa south-eastern Ukraine, naglalapat rin ng mga kontra sanctions ang Rusya. Itinigil ng Rusya ang pagbili ng mga makinarya at sapatos mula sa Alemanya, bagay na magdudulot ng krisis sa samahan ng mga machinery manufacturers ng Alemanya, at gayundin sa kompanyang Adidas. Itinigil rin ng Rusya ang pagbili ng karne mula sa USA at Espanya, mga prutas at gulay mula sa Serbia at Gresya, at lahat ng produkto mula sa Ukraine at Poland. Ang Poland, na matinding supporter ng maka-pasistang rehimeng Poroshenko sa Kiev, ay nahaharap sa pagkawala ng kanyang agricultural exports sa Rusya, na nagkakahalaga ng 1-Bilyong Euros (USD $1.3-Billion) taun-taon. Pinahihigpit rin ng Rusya ang ban sa paggamit ng US dollar sa kanyang foreign trade